Dahil medyo nammiss ko na ang Amerika, naisipan kong i-post muli ang isang artikulong ginawa ko habang naho-homesick ako noon. At para maiba naman dahil nagno-nosebleed din ako paminsan minsan sa mga Ingles kong blog, naisipan kong magpahinga muna sa wikang banyaga at gamitin ang wikang Tagalog. Sana magustuhan nyo ang mga mumunting obserbasyon sa maliit na panahon ng aking paglalagi sa Amerika.
buhay amerika vs buhay pinas:
1. maluwag ang daan. parang wlang eskinita dito. parang laging nlex ang daanan kahit ordinaryong kalsada lang. maayos lahat ng traffic lights, hindi naggigitgitan ang mga sasakyan, walang msyadong traffic ( maliban kung weekends), malinis ang daan walang basura halos at wla ring kanal na amoy imburnal. hindi din gamitin ang train nila dito dahil lahat halos may sasakyan. bigla ko tuloy naaalala ang mga kalunos lunos pero nakakatawang experience ko sa mrt.
2. disiplinado ang mga tao sa daan. pag may tmtawid bawal tutukan at dapat
talagang huminto ang mga sasakyan. ang mga sasakyan hindi pedeng sumakop ng 2
lanes. may pangalan ang bawat street kaya din madaling malaman ang mga
daan. kaya lang bawal huminto basta basta sa gilid ng daan. di kagaya sa pinas parang kahit saan pwedeng pwedeng mag-park. kaya kahit
naliligaw ka na sa US diretso lang ng drive.
3. hindi ko alam kung tamad lang ba sila sa bahay o mahilig talaga cla mgimbento. napakdaming bagay na napakadaling gawin ng kamay pero ginagawan pa din nila ng imbensyon para hndi na kailangan pang gamitin ang kamay. halimbawa, de kuryenteng peeler ng patatas, cucumber etc. may pambukas din kami ng delata na de kuryente. nammiss tuloy namin yung pambukas ng delata na manual. panu na pag mgbabaon kmi ng delata sa pamamasyal? wla kaming can openner kasi nga de kuryente yung nasa bahay hindi pedeng baunin. demanding?!
4. mahal ang bigas! OMG! sa isang pinoy OFW (ofw talaga?!) hindi ito makatarungan. $17 para sa 20lbs ng bigas. kaya cguro ndi sila mahilig sa rice. hindi ko maintindihan ang mga amerikano kung pano naging substitute ng bigas ang mashed potato at bread sa kanila. nakakalungkot naman kumain ng tinapay at sinigang di ba.
5. ilang beses na ko nakatanggap ng compliments sa kulay ko. pero sa pinas nilalait nila ko. parang araw araw daw ako ngbbeach. buti naman dito ngustuhan nila kulay ko. kung hindi eh san pa ko lulugar.
6. andaming pagkain n less fat, less sugar, less than 200 calories, less na lahat parang halos wala ka ng nakain. pero ang tataba pa din at ang lalaki pa din ng tao dito. baka dito ng aapply ang sabi nila na "less is more".
7. madali lang para sa kanila makabili ng mga bagay bagay na napakahirap bilhin sa atin. halimbawa, TV. makakabili sila sa isang buwang sweldo nila ng de-kalibre at makabagong teknolohiyang telebisyon at may matitira pa din sa sweldo nila, samantalang sa atin, 2 taon mo huhulugan sa credit card ang ganoong klaseng TV.
8. sa amerika napakalayo ng mga bahay. hindi uso ang tsismisan tuloy sa kapitbahay. nakakalungkot di ba? na-miss ko tuloy ang kapitbahay naming walang humpay sa pakikipagtsismisan sa umaga habang nagwawalis ng bakuran. kahit di na ko manood ng tv o makinig ng radyo, mas madami pa syang alam na impormasyon tungkol sa mga artista at sa mga tao sa barangay namin.
9. SNOW! umuulan ng nyebe!!! para sa isang taong namumuhay sa init ng araw 365 days a year, ang makaranas ng pag-ulang ng yelo ay tunay na pruweba na talagang nakatapak na ako sa lupang banyaga! isa din ito sa pinakahihintay kong pagkakataon para makapasuot ng "boots". oh yes, boots! pangarap kong magsuot ng boots pero di ko magawa sa pinas, napakainit ng panahon at kahit nakatsinelas ka ay nakapakainit pa din. hindi ko maintindihan ang ibang kabataan sa pinas pano nila natitiis magsuot ng boots sa gitna ng sikat ng araw. baka may aircon sa loob ang boots nila o baka lamigin talaga ang paa nila. ewan.
10. ang tanging bagay na na-miss ko sa Amerika -- mag-shopping. mura ang bilihin. ang mga "branded clothes" ika nga ay halos "bagsak-presyo". marahil ay nasanay ako sa kakarampot na sweldo sa Pilipinas kung kaya't pagdating sa ibang bansa talaga naman "shopping galore" tayo, sa Amerika, ang sweldong pinaghirapan mo ay marami ng mabibili. ang bawat sentimo ng dolyar ay may saysay. sa pinas, ang tawag natin sa singko, singkong duling. at kapag nakakuha tayo nito, kalimitan inihuhulog na lamang natin sa mga lata ng red cross. nakakalungkot isipin.
marami pang ibang gusto kong ilahad pero sa susunod n lang. masaya ang buhay sa amerika. pero yun ay kung ndi mo naranasan mabuhay sa pinas.
buhay amerika vs buhay pinas:
1. maluwag ang daan. parang wlang eskinita dito. parang laging nlex ang daanan kahit ordinaryong kalsada lang. maayos lahat ng traffic lights, hindi naggigitgitan ang mga sasakyan, walang msyadong traffic ( maliban kung weekends), malinis ang daan walang basura halos at wla ring kanal na amoy imburnal. hindi din gamitin ang train nila dito dahil lahat halos may sasakyan. bigla ko tuloy naaalala ang mga kalunos lunos pero nakakatawang experience ko sa mrt.
California |
3. hindi ko alam kung tamad lang ba sila sa bahay o mahilig talaga cla mgimbento. napakdaming bagay na napakadaling gawin ng kamay pero ginagawan pa din nila ng imbensyon para hndi na kailangan pang gamitin ang kamay. halimbawa, de kuryenteng peeler ng patatas, cucumber etc. may pambukas din kami ng delata na de kuryente. nammiss tuloy namin yung pambukas ng delata na manual. panu na pag mgbabaon kmi ng delata sa pamamasyal? wla kaming can openner kasi nga de kuryente yung nasa bahay hindi pedeng baunin. demanding?!
4. mahal ang bigas! OMG! sa isang pinoy OFW (ofw talaga?!) hindi ito makatarungan. $17 para sa 20lbs ng bigas. kaya cguro ndi sila mahilig sa rice. hindi ko maintindihan ang mga amerikano kung pano naging substitute ng bigas ang mashed potato at bread sa kanila. nakakalungkot naman kumain ng tinapay at sinigang di ba.
5. ilang beses na ko nakatanggap ng compliments sa kulay ko. pero sa pinas nilalait nila ko. parang araw araw daw ako ngbbeach. buti naman dito ngustuhan nila kulay ko. kung hindi eh san pa ko lulugar.
6. andaming pagkain n less fat, less sugar, less than 200 calories, less na lahat parang halos wala ka ng nakain. pero ang tataba pa din at ang lalaki pa din ng tao dito. baka dito ng aapply ang sabi nila na "less is more".
7. madali lang para sa kanila makabili ng mga bagay bagay na napakahirap bilhin sa atin. halimbawa, TV. makakabili sila sa isang buwang sweldo nila ng de-kalibre at makabagong teknolohiyang telebisyon at may matitira pa din sa sweldo nila, samantalang sa atin, 2 taon mo huhulugan sa credit card ang ganoong klaseng TV.
8. sa amerika napakalayo ng mga bahay. hindi uso ang tsismisan tuloy sa kapitbahay. nakakalungkot di ba? na-miss ko tuloy ang kapitbahay naming walang humpay sa pakikipagtsismisan sa umaga habang nagwawalis ng bakuran. kahit di na ko manood ng tv o makinig ng radyo, mas madami pa syang alam na impormasyon tungkol sa mga artista at sa mga tao sa barangay namin.
9. SNOW! umuulan ng nyebe!!! para sa isang taong namumuhay sa init ng araw 365 days a year, ang makaranas ng pag-ulang ng yelo ay tunay na pruweba na talagang nakatapak na ako sa lupang banyaga! isa din ito sa pinakahihintay kong pagkakataon para makapasuot ng "boots". oh yes, boots! pangarap kong magsuot ng boots pero di ko magawa sa pinas, napakainit ng panahon at kahit nakatsinelas ka ay nakapakainit pa din. hindi ko maintindihan ang ibang kabataan sa pinas pano nila natitiis magsuot ng boots sa gitna ng sikat ng araw. baka may aircon sa loob ang boots nila o baka lamigin talaga ang paa nila. ewan.
isnow! |
pacman vs clottey fight in TexasT |