Sa aking mga kababayang Pilipino, malapit na po ang halalan! Ilang buwan na lamang ang ating bibilangin at muli na naman tayong bibigyan ng pagkakataon upang makapamili ng mga mamumuno sa ating bansa. Huwag sana nating sayangin ang pagkakataong ito dahil ito ay karapatan natin bilang isang mamamayang Pilipino.
Upang malaman kung ikaw ay maaaring makaboto ngayong darating na eleksyon, maaari lamang bisitahin ang website na ito ng COMELEC:
http://www.comelec.gov.ph/index.php?r=VoterRegistration%2FRegistrationStatusVerification%2Fprecinct_finder
May oras pa upang makapagpa-rehistro upang maging ganap na botante sa darating na eleksyon. Ang halalan ang tanging paraan upang madinig ang tinig ng buong bansa. Ang pagpaparehistro ay hanggang Oktubre 31, 2015 na lamang. Ilang araw na lamang ang nalalabi kung kaya't hinihikayat ko kayo na magtungo na sa pinakamalapit na COMELEC upang makapagparehistro.
Tandaan ang pagboto/pagpili kung sino sa tingin mo ang nararapat na mamuno sa ating bansa ay isang karapatan mo bilang mamamayang Pilipino. Gamiting mabuti ako iyong karapatan. Ito na ang tamang panahon upang manindigan!